Okay, puro naman ako ngayon advertisement. Ginawa ko ‘to kanina since wala na naman ako magawa:

stopglobalwarming.jpg
Click to enlarge

I guess it’s self-explanatory. Di pala ako naniniwala, again, sa catastrophic Global Warming pero since uso ngayon ‘yung Global Warming awareness ads, edi gumawa din ako.

Simula kahapon, gumawa ako ng mga sample print advertisements para mailagay ko sa portfolio ko. Puro lang kasi illustrations ‘yung nasa portfolio ko at kadalasang hinahanap ng mga job seekers eh ‘yung graphic designer na marunong sa layout. Wala din kasi akong magawa kaya napag-trip-an ko. Ito ‘yung isa sa mga ginawa ko kanina:

nicpatch.jpg

Ito ‘yung isa sa favorite ko kasi parang eksakto lahat. Actually, iclo-close ko na ‘yung Illustrator no’n tapos biglang nu’ng nakita ko ‘yung minimize button, ayon sumagi sa isip ko na mukha s’yang cigar. Kaya ‘yon, ginawan ko na din ng role ‘yung ibang buttons. (For the uninitiated, ‘yung nicotine patch eh dinidikit sa skin ng mga gustong mag-stop mag-yosi para makatulong sa paghihinto ng cravings.)

BTW, imbento lang ‘yung NicPatch na brand.

  • Nag-a-aral ako ngayon ng Javascript and Ajax habang wala akong ginagawa. Na-isip ko na kelangan ko na talaga mag-seryoso sa programming. So far nag-e-enjoy naman ako pero confusing pa din ‘yung ibang part.
  • Natapos na ‘yung kasal ni kuya. Sa Dusit Hotel ginanap ‘yung reception at do’n din kami nag-stay for one night. Maganda ‘yung suite. At least for one night, naranasan kong magbuhay mayaman. Hehe.
  • Napuntahan ko na ‘yung Manila Ocean Park. Di pa nga s’ya kumpleto. Parang ang ikli ng journey sa loob. Ang ikli din ng tunnel. Pero may mga nakakatuwa din namang sea creatures lalo na ‘yung rock na isda. Kung iibahin mo perspective mo, iisipin mong humihingang bato ‘yung nakikita mo (or I should say kung iibahin mo perspective mo, saka mo makikita ‘yung isda, mukha kasi talagang bato). May sobrang malalaki din palang aquarium do’n. Wala kasing gano’n kalalaking aquarium sa may Underwater World sa SG.

‘Yan lang. Di ko alam kung kelan ulit babalik ‘tong blog sa dati. Feeling ko kasi naging journal na s’ya talaga in a way na sinasabi ko na lang mga nangyayari sa buhay ko at ni wala man lang kung anong realizations. Siguro malapit na. Ewan.

  • Hinihintay ko pa ‘yung replies ng publishers kasi one month ang duration ng review ng karamihan sa kanila.
  • Ikakasal na ang kapatid ko this week kaya busy kami.
  • Dumating nanay ko galing States at nakita ko s’ya after 6 long years.

‘Yan ‘yung mga dahilan kung ba’t di ako nakakapag-update lately. Mini-hiatus muna ako. After ng kasal (IOW, next week) saka na ulit ako magu-update ng maayos.

Ito sana ‘yung gusto kong maging itsura nu’ng libro pag na-publish. Again, di ko alam kung mapa-publish pero dahil sa Graphics Designer ako, napag-tripan ko lang gumawa ng book cover:

book_view.jpg

Kunyari lang ‘yung pseudonym at subtitle. Hay. Ang hirap humanap ng book publisher dito. Nagpunta ako kanina sa Powerbooks at kung di puro devotional books, pang-FilipiƱana section ‘yung pina-publish ng karamihan sa publishers (may relevance sa politics, sa mga pagsakop ng Amerikano, etc.). The heck naman. Walang ka-relevancy, relevancy ‘yung gawa ko sa kahit ano do’n. It’s just random observations and thoughts about anything I fancy.

I don’t know if the Powerbooks staff found me suspicious. Kasi puro first pages lang nu’ng mga libro tinitignan ko tapos may tina-type ako sa phone ko after. Ang tagal ko pa sa Filipino Lit section.

Anyway, gagawa muna ako ng book proposal sa ngayon kasi the rest of the publishing houses eh kelangan na ng book proposal (di kagaya do’n sa isa na diretsong buong manuscript). Boohoo.

Na-reject ‘yung libro ko ng isang publishing house. (I submitted it yesterday night, ambilis ‘no? Na-proofread na kasi nu’ng English teacher yesterday afternoon so sinabmit ko na.) Ito ‘yung rejection letter n’ya:

I’ve read through some of your short essays and like them. You can write well.

Unfortunately, there are too many books of personal essays in the bookstores right now and the small market of readers in English (only 1/3 of book buyers) is saturated. Many of the [the publishing house’s name] books of this type are selling very slowly and, thus, are losing money. [Title of one of their essay anthologies] is one of them.

I’m sorry, but I have to reject your manuscript for this reason. You should try another publisher.

Di naman ako ga’no na-hurt kasi at least nagustuhan n’ya. Tsaka naiintidihan ko na publishing is a business. They’re taking a risk kasi mag-i-invest sila ng pera sa paggawa ng libro. Pag napansin nilang di bumebenta ‘yung gan’tong klaseng genre, di sila magta-take ng risk.

Isa pa, even “Harry Potter” has been rejected a dozen times. Even Dr. Seuss’s books. At marami pang authors. So di talaga ako mawawalan ng pag-asa. The problem nga lang eh ang daming UK or US publishing house. Dito apat lang ang alam ko. Ngayon tatlo na lang natitira. Ayoko pa do’n sa isa kasi parang bara-bara sila mag-publish ng libro. I’ve seen one of their books sa bookstore at baliktad ‘yung pagkaka-print nu’ng laman. It’s not “Bakit Baliktad Magbasa ang mga Pilipino” ni Bob Ong, okay? It’s a different book. ‘Yung ibang libro na ‘yon, tama ‘yung pagkaka-print pero may isa na baliktad (same title). Tsaka I’ve read na di nila pinu-proofread ‘yung iba nilang books dahil bumaba daw sales nila nu’ng inayos nila ‘yung writing. Weird.

Kung may alam ka pa na ibang book publisher, it might help. I will go to the bookstore right now at titignan ko ‘yung Filipino Lit section. Baka makakita ako ng iba pang publisher na puwede kong pag-submitan ng manuscript. Wish me luck!

Ewan ko kung coincidence lang pero natapos ko ‘yung libro this day. Good Friday indeed.

bookprev.jpg
Click to enlarge

Ang problema ko lang ngayon eh kung sa’n ako hahanap ng proofreader or editor. Di naman kasi ako magaling mag-proofread. Mga obvious na grammatical errors lang nakikita ko pero pag dating sa pagni-nitpick nu’ng di ga’no obvious na mali sa grammar, baka marami akong di nakita.

May kilala ka ba na puwedeng ma-hire sa cheap lang na price?

Edit: May nakita na akong magpro-proofread at willing s’yang gawin ‘yon for free. He’s an English teacher who lives at Pennsylvania. Wahaha. Heaven sent.

Prinint ko ‘yung buong manuscript at itatago ko muna sa drawer for 5 days. Then after 5 days, babasahin ko ulit at if every may nakita akong mali, babaguhin ko ulit. Nabasa ko kasi na manuscripts mutate somehow pag matagal-tagal mong di nabasa. ‘Yung discontinuities at clutter, mas mapapansin. So ‘yon. Pag wala na talaga ‘ko makita, saka ko na ibibigay sa kanya.

Kagabi, in-invite ako ng friends ko na magpa-sign daw ng album kay Ne-Yo kinabukasan. Di naman ako “fan” in the strictest sense of the word pero gusto ko halos lahat ng kanta na ni-release n’ya so pumayag ako. And it’s Ne-Yo. Dati sa MTV ko lang ‘yon nakikita. I won’t miss the chance to see him up-close ‘no.

So kanina, dumating kami sa Megamall at 11 am at bumili na agad kami ng Special Philippines Edition album n’ya dahil ‘yon lang daw ‘yung sa-signan n’ya. Nag-intay kami ng halos 3 hours kasi 2 pm pa ‘yung concert. Okay, fast-forward na.

Nu’ng nakita ko s’ya napa-sigaw din ako ng malakas. I can’t help it. Everybody is doing it at nakakahawa. Nu’ng turn ko na magpa-sign, nginitian n’ya ako *blush* at nakipag-shake hands ako. OMG. This is the first time ever na nakakita ako ng international artist at nahawakan ko pa kamay. Hwa-ha-ha. Me so lucky.

Anyway, ito ‘yung random cellphone shots ko sa kanya kanina (malayo kasi di puwede magdala ng cam sa stage):

neyo.JPG

Ito ‘yung special album flap kung sa’n s’ya nag-sign:

neyo_sign.jpg

Before I end this, may trivia lang ako na di ga’no related. Ito pala full name ni Akon: Aliaune Damala Bouga Time Puru Nacka Lu Lu Lu Badara Akon Thiam. Di pa daw verified pero if ever totoo, wow right?

Recently, I learned about this group ImprovEverywhere. They do practical jokes ang difference lang eh madalas gumagamit sila ng maraming accomplice. Itong video sa baba ‘yung favorite ko so far (sa lahat ng nakita ko na ginawa nila). ‘Yung mga accomplice nasa 200+ at sobrang mixed. Ang ginawa nila eh nag-freeze silang lahat at the exact time na sinet sa gitna ng Grand Central (at NYC). The result is, akala ng mga tao (’yung mga di accomplice, of course) nag-freeze talaga ‘yung time para sa halos half ng dumadaan sa Grand Central. This is just too cool to be missed:

Meron na akong napiling official title ng book ko and that is, “A S q u a r e H a s S i x S i d e s.” Nabasa ko kasi na kelangan catchy ‘yung title para maka-attract ng reader. Feeling ko catchy s’ya kasi di naman six ‘yung sides ng square. Then meron ding alliteration ng consonant letter S. Then parang akma s’ya sa mismong content since puro ka-weirduhan naman ‘yung pinagsusulat ko do’n. Then it has the word square in it (bonus for me).

Nasa 101st page na pala ako (including the white illusion part). Hanggang 150 pages na lang pala target ko. Maliit naman ‘yung size na ini-intend ko sa book eh so kahit konti pages, magmu-mukha siguro s’yang makapal kapag kinompile. Nu’ng binilang ko din ‘yung topics na diniscuss ko, umabot ng 45. So in a way, each topic eh halos 3 pages long lang or shorter. It’s just like what I do in this blog: short random topics.

Gagamit din ako ng pseudonym. Di pa ako decided kung ano. Gusto ko kahit papano eh based pa rin sa real name ko. An anagram of of my real name perhaps (na kelangan gender neutral)? I tried to generate a few anagrams using an anagram generator. Ito ‘yung iba sa lumabas:

  • Travis Astair - sounds too Western and sounds like a guy’s name
  • Vega Airem - sounds sci-fi-ish
  • Grave Urea - sounds scary and depressing and sounds like piss
  • Reave Armour - sounds medieval
  • Moravia Auger - sounds Czechoslovakian

Heh. Di ko talaga alam. I’ll figure out one soon. And nope, I won’t use skwayred.

Anyway, kahit medyo malapit na akong matapos sa book, di pa din ako assured kung may tatanggap na publisher. Kung wala talaga, ang last resort ko eh mag-self-publish. But I hope may tumanggap talaga. Meron naman akong nakikitang Filipino books na sobrang maninipis at compilation lang ng jokes pero may nagpu-publish. At least everything I have written on my book came from me. Then again, I have zero connection. Unless, kokontakin ko ‘yung dating nagpa-publish ng article ko sa Manila Bulletin. Maybe he could help. Then again, maybe not.

Next Page »